An Online notebook of Orlee Pasion.

Tuesday, November 17, 2015

Pinakamataas na Christmas tree sa Maynila, pinailaw sa Tutuban Center

2

14 November 2015, Recto Avenue, Manila—Ang pinakamataas na Christmas tree sa Maynila ay pinailawan ngayon sa gitna ng mala-piyestang kasiyahan.

Ang tradisyonal na Christmas tree lighting ceremony—na ngayon ay nasa ika-9 na taon na—sa Tutuban Center, ang tinaguriang “Manila’s Christmas shopping capital,” ay may temang “Paskong Sulit sa Tutuban Center.” Layunin ng temang ito na ipakita ang Tutuban Center bilang isang lugar kung saan ang mga pamilyang Pilipino at magkakaibigan ay pwedeng mag-shopping dito para sa Pasko at gawing super sulit sa saya at sa oras ang family bonding.

“Ang Christmas tree ay may kahulugan sa bawat isa sa atin. Para sa Tutuban Center, ang Christmas tree ang siyang nagsisilbing inspirasyon, kasiyahan at pagdiriwang bilang Christmas shopping capital ng Maynila. Kasama ng Christmas tree, carnival, Tutuban Center Food Street, at ng Tutuban Center Night Market, hatid namin ay ‘best value’ para sa ‘hard-earned money’ ng ating mga kababayan,” paliwanag ni Ms. Sylvia Tecson, Vice President for Sales and Marketing ng Tutuban Properties, Inc. (TPI).

Ang seremonya ay gaganapin ng mas maaga kaysa noong mga nakaraang taon kung saan ginaganap ito tuwing Nobyembre 30 o tuwing Bonifacio Day. “Mas pinaaga ito dahil gusto namin maumpisahan na agad ang Christmas season sa taong ito,” dagdag pa ni Ms. Tecson.

Ang Tutuban Center Christmas tree, na may taas 50 feet, ay gawa sa mga materyal mula sa iba’t-ibang lalawigan sa paligid ng Maynila at ang malikhaing konsepto nito ay mula sa TPI team. Ito ang pinakamataas na Christmas tree na nalikha ng Tutuban Center at ito rin ang pinakamataas sa iba pang mga Christmas tree sa Maynila, isa na namang breakthrough sa kasaysayan ng Tutuban Center.

At dahil ang Christmas tree sa taong ito ay mas mataas kaysa sa dati, ang tree-lighting ceremony ay gaganapin sa Tutuban Center Shopping Plaza, ayon kay Ms. Tecson, at hindi sa nakagawiang Bonifacio Plaza sa tabi ng Bonifacio monument. Ang event na ito ay pinasinayahan ng mga sponsors na taga My Phone at Talk and Text.

Kaya magtungo na sa Tutuban Center and mag-enjoy sa inyong Christmas shopping para sa mas pinadami pang quality at affordable na mga produktong hindi makikita sa alinmang lugar.

Ang Tutuban Center ay matatagpuan sa C.M. Recto Avenue sa Lungsod ng Maynila at bukas ito mula ika-9 ng umaga hanggang ika-12 ng madaling-araw. Bisitahin ang aming Facebook page FB.com/TutubanCenter, o sundan kami sa Twitter at Instagram, @TutubanCenter para sa iba pang mga detalye.

The post Pinakamataas na Christmas tree sa Maynila, pinailaw sa Tutuban Center appeared first on A cup of coffee and my lappy.



from WordPress http://ift.tt/1PKxtZx
via IFTTT